Ian Pangilinan Ian Pangilinan

Katabi

puwede ba kitang kilalanin?
haranahin at suyuin?
sa 'yong mukha, ako ay nabighani
pagtingin sa 'yong mata, buong mundo ko'y tumigil

mula nang ika'y masulyapan
'di na malimutan ang
ang iyong ngiti, ang iyong pisngi
ang lambot ng iyong labi

laging minimithi, laging iniisip
ikaw lamang ang nais makatabi
'pag iyong kamay ay nahahawakan
puso'y sumisigaw: Oh, mahal na yata kita

wala na akong ibang hangad
pangarap lamang ang
ang iyong ngiti, ang iyong pisngi
ang lambot ng iyong labi

laging minimithi, laging iniisip
ikaw lamang ang nais makatabi
abot-kamay na ang langit

kapag ikaw ang aking kapiling
sa bagyo ng aking daigdig
ikaw ang bahaghari
ang iyong ngiti, ang iyong pisngi

ang lambot ng iyong labi (laging minimithi)
laging minimithi, laging iniisip (nasa 'king isip)
ikaw lamang ang nais makatabi

sa iyong mata
(mundo ko ay tumigil) mundo ko ay tumigil
(sa iyong mukha, sa iyong mata) oh-oh
(mundo ko ay tumigil) oh-oh-oh-oh